Biyernes, Marso 30, 2018



            Lahat tao ay ipinanganak na may kanya kanyang landas sa buhay na tinatahak, minsan kahit pamilya natin ay hindi kasama sa ating mga pangarap sapagkat may iba iba tayong pananaw sa buhay,karamihan relihiyon ang nagpapahiwalay sa pamilya natin sa atin,napakalaki ang impluwensya ng relihiyon at paniniwala natin sa ating pamilya,
 Minsan pakiramdam natin may tali ang ating leeg, hindi makagalaw,walang kalayaan sa ating mga gusto sapagkat tayo’y nakakulong parin sa bisig ng ating pamilya,lahat ng kailangan ay nakadepende parin sa kanila kaya kahit sa ating mga desisyon ay kasama sila kaya yan ang maganda sa pamilya sapagkat tulong tulong,may pag kakaisa,at pati hanggang sa paglaki natin o pagdating sa pag aasawa na ay nakatanaw parin sila sa atin
Pero pagdating sa kaligtasan ay indibidwal yan,kilangan ng buong desisyon at matalas na pag iisip,kapag nasa wastong pag iisip na tayo doon natin napagtanto na ‘anong purpose ng buhay ko’? ‘kapag mamatay ako saaan kaya ako pupunta’?. Mga tanong na gusto nating bigyan ng kasagutan, may kasabihan nga na ‘seek and you shalt find, knock and shalt be open’.kung may katanongan may kasagutan rin yan,pagpupursige at determinasyon ang kailangan.
Sa atin napakaraming imposible sa buhay,imposibleng mangyari at imposibleng gawin, pero sa manlilikha ng sanlibutan ay walang imposible.sapagkat sya ang may ari ng lahat ng bagay,mga imposibling bagay na hindi kayang gawin ng kahit sino sa mundong ibabaw o nang  mga anghel,ang pinakamahalagang kalayaan ay ang kalayaan nating pumili ng ating lalandasin sa buhay,pero dapat bago gumawa ng hakbang alam natin kung anong kahihinatnan,o patutunguhan natin kung ito ba’y tama ba o mali.



Alam natin na ang bibliya ay orihinal na isinulat sa Hebrew o hebreo na salita,at ito’y nagmula sa bansang Israel bata palang tayo ay nakakarinig na tayo ng mga pulong na mula sa bibliya,lumaki at namulat bilang isang Kristyano tumatak sa isip hanggang sa lumaki,at kapag may marinig na ibang relihiyon ay isasaisip kaagad na kulto yan sila, pero kapag buksan natin ang ating puso’t  palawakin ang  isipan matatagpuan natin ang ating sarili na parang walang saplot matatagpuan natin ang kaalaman na nakatago na kailanma’y hindi natin nalaman at narinig.

Ang katotohanan ang pinakamahalaga sapagkat ito’y magpapalaya sa atin lalo na sa tinatawag nating mental slavery.ang pangalan ng manlilikha ng sanlibutan ay napakamahalaga rin, kahit anong dalangin o pagpupuri at pag aalay ang ating gawin kung hindi sa kanyang pangalan ay wala paring kabuluhan katulad ng sinasabi sa Amos 5:21 ‘I hate, I despise your feast days, and I will not smell in your solemn assemblies’.











Ang Pangalan

Sino nga ba o ano ba ang personal nyang pangalan? Tama bang tawagin natin syang LORD,GOD,DIOS sa halip na tawagin sya sa kanyang personal na pangalan?itinuro sa atin na tumawag sa LORD,GOD,DIOS pero ni hindi alam kung totoo ba nyang pangalan yan, basta’t ang alam natin ay katulad parin yun na tumatawag tayo sa kanya.
Kung ang bibliya ay orihinal na isinulat sa wikang hebreo ibig sabihin ang personal na pangalan ng maylikha ng sanlibutan ay nakasulat din sa wikang hebreo at hindi Engish o anupamang wika.


Libo libong taon na itinago ang totoong pangalan ng maylikha upang makalimutan sya ng mga tao at upang hindi kilalanin,kung babalik tayo sa pag aaral sa orihinal na wika ng hebreo doon natin malalaman kung sino nga ba ang totoo nyang pangalan,ang orihinal na sulat ng bibliya ay sinunug ng Vatican upang burahin ang katotohanan at sila’y gumawa ng sarili nilang translation at iyon ang ipinalabas sa publiko at inituro sa bawat simabahan at pinalitan ang pangalan ng maylikha ng mga  titulo lamang,
yan ang larawan ng dead sea scroll na lumantad sa publiko noong 1978 ngunit mga taon pa ang lumipas ng isapubliko ito, sa scroll na ito ay nakasulat ang totoong pangalan ng maylikha,
sa hebreo nakasulat ang pangalan ng maylikha na ganito “YHWH”  ngunit hindi natin yan mababasa sapagkat walang vowel at ang iba nagtatanong ‘paano mababasa yan puro consonant letters?’ Pero kung pag aralan natin ang orihinal na hebrew alphabet walang vowels sapagkat may mga consonants na nagiging vowels kapag basahin
Halimbawa na may vowel points ang Hebrew alphabet ay
 ‘Aleph’ ang tunug nito kapag basahin ay Ah,Eh,Ee,Oh,Ooh,
‘Ayin’ ang tunog nito ay Ah,Eh,Ee,Oh,Ooh.
‘Waw,Vav,Uau - Ooh as in Too or Oh as in Obey.
Note:Sa panahon ni Moises ang gamit nilang wika ay Paleo Hebrew at ang letrang gamit nila ay ‘U’ (Uau) sa halip na ‘W,V’(waw,vav,) sapagkat ang letrang ‘W’ ay ginamit lamang ng mga modernong hebreo o sa Aramaic Hebrew.

Makikita natin na may apat na klasing pagkasulat ng Hebrew Alphabet ang Early,Middle,Late at Modern.
Sa panahon ni Moises ng ibigay ng maylikha ang sampong utos ito’y nakasulat sa Early Hebrew.                Napakahalaga na malaman ang totoong pangalan ng maylikha at kahulugan nito alalahanin natin na hindi tayo maliligtas kung wala ang kanyang totoong pangalan, Joel 2:32-‘At nang magkagayon ang sinumang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas’.
Sa pangalan ay may kaligtasan sapagkat kung sino man ang tatawag sa kanyang pangalan ay maliligtas, kaya napakahalaga talagang malaman ang totoo nyang pangalan kahit sabihin natin na ang salitang DIYOS,LORD,GOD ay magkapareho parin sa kanyang totoong pangalan, isipin po natin na may personal syang pangalan at sa kanyang pangalan lamang tayo maliligtas sapagkat ang gumawa ng mundo at lahat ng bagay ay iisa lamang at wala ng iba pa.

Mababasa natin sa Unang utos sa Exodus 20:3- ‘Huwag kang sasamba sa ibang (diyos) maliban sa akin’.
Sa ikalawang utos Exodus 20:4-‘Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit,nasa lupa,o nasa tubig upang sambahin’.
Exodus 20:5-‘Huwag mo silang yuyuluran ni sasambahin sapagkat akong si YaHUaH na iyong Aluahynu ay mapanibughuin. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi.
Exodus 20:6-‘Ngunit ipinadarama ko ang aking pag ibig sa libo libong salinlahi na umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.

At sa ikatlong utos mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit sa pangalan ni YaHUaH sa walang kabuluhan.
Exodus 20;7-‘Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni YaHUaH, Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito ng walang kabuluhan’.
Bakit mayroong “LORD/GOD” sa ating bibliya sa halip na YaHUaH?


Ang salitang YAHUAH ay pangalan ng (diyos) ng Israel mahigit (7000) seven thousand times sa Hebrew na aklat.tinatawag ito ng mga Theologians na tetragrammaton.
Ang lahat ng ito ay nagsimula sa Jewish na kultura na kung tawagin “Ineffable name” na doktrina. Ang pangalan ni YAHUAH ay pinalitan ng mga hudyo ng “ADONAI” sa maraming dahilan.
Ang Hebrew na Adonai ay “My Lord”. Ang impormasyong ito ay madali lamang malalaman gamit ang mga bible dictionaries at encyclopedias. [Halimbawa], ang encyclopedia Britannica ay nagsasabi: YAHUAH, ang (diyos) ng mga israelita, ang kanyang pangalan ay ibinigay nya kay Moises na apat na Hebrew consonants (YHUH/YHVH) na tinatawag na tetragrammaton pagkatapos ng paglabas nila sa egipto.(6th Century BC),
At lalo na noong 3rd Century BC, ang mga hebreo  ay ipinagbabawal ng gamitin ang pangalan ni YAHUAH sa dalawang dahilan. Nang ang Judaism ay naging universal na relihiyon sa pamamagitan ng pakikipag ugnayan nito sa Greco-Roman world,ang common noun na Aluahym(Elohim), ibig sabihin “god” ay ginamit upang palitan ang YAHUAH para ipahayag ang pandaigdigang maylikha ng Israel na higit pa sa iba. Gayunpaman  ang pangalang YAHUAH ay napakabanal ibunyag kaya pinalitan ito ng “Adonai”(MY LORD) upang hindi malampastanganan ang kanyang banal na pangalan at naitransalate bilang KYRIOS(LORD) sa Septuagint ang Greek version ng lumang tipan.
Mababasa natin sa taas na ang mga hebreo nagsimula ng palitan ang banal na pangalan ni YAHUAH ng “Adonai’(My Lord) sa dalawang dahilan:
1.   Unang pinaniwalaan na ang pangalan ay napakabanal na ipahayag.
2.   2. Mas pinili na tawagin nalang syang Aluahym (god) sa halip na YAHUAH para e demonstrate sa buong mundo na sya lamang ang tunay na Aluahym(God).
Ang mga dahilan na ito ay parang kagalang galang, kung gusto nga talaga ni YAHUAH na palitan ang kanyang pangalan ng mga titulo bakit sinabi nya kay Moises sa Exodus 3;15- Sabihin mo sa mga israelita na ako si YAHUAH ang Aluahym ng iyong mga magulang ni Abraham,Isaac at Jacob na nagpadala sa akin sa inyo, ito ang aking pangalan magpakailanman, ang pangalan kung saan maalala ng mga henerasyon”.
Ang aklat nagsasabi na si YAHUAH lamang ang susundin at hindi ang kahit sinumang tao.makikita natin na abot 7,000 times na pinalitan lahat ang banal na pangalan ng mga salita na ginawa lamang ng mga tao.
Ang tradition na ito ay hindi sinusunod ng mga israelita sapagkat alam nila na hindi tama na palitan ng ibat ibang pangalan ang pangalan ni YAHUAH. Ngunit niyakap ito ng ibang Kristyano noong sa kalagitnaang 2nd Century CE/AD. At noong 4th Century lumaganap ito at niyakap ng karamihan, si Jerome noong 4th Century “Church Father” na author ng Latin Vulgate version ay pinalitan ang pangalan ni YAHUAH sa lahat ng bibliya ng Latin na salita na “Dominus” (meaning “LORD”) ang tradition na pinalitan ang pangalan ni YAHUAH ay nagpatuloy hanggang sa ngayon, karamihan sa mga English translation pinalitan ang pangalan ni YAHUAH ng "LORD,GOD” at kahit sa ibang bansa ay pinalitan din ang “The Lord” basi sa kani-kanilang wika.
Exodus 20:7- Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni YAHUAH, tiyak na parurusahan ko ang sinumang gumamit nito ng walang kabuluhan”.
Upang makalimutan,at burahin ang totong pangalan ni YAHUAH ay tinakpan nila ito ng “LORD” or “GOD” upang ipahayag ang kasinungalingan at nagdudulot sa walang kabuluhan,dahil ang  totoo nyang pangalan ay hindi kilala sa buong mundo,kailangan nating malaman ang kanyang pangalan at tatawag sa kanya lamang.
Ang punto natin dito ay ang sariling explanation ng bibliya sa kahulugan ng tetragrammaton sa ikatlong kapitulo ng Exodus. Magsisimula tayo sa English Version ng birsekulo 13-15.               13. Then  moses said to God, indeed, when I come  to the children of Israel and say to them, the Aluahym of your fathers has sent me to you, and they say to me, what is his name? what shall I say to them?                       14. And God said to Mose, the Yah who is Yah(I AM WHO I AM), and he said,thus you shall say to the children of Israel: YAHUAH God of your fathers, the Aluahym God of Abraham,the god of Isaac and the god of Jacob, has sent me to you,this is my name forever, and this is my emorial to all generations.
Karamihan sa English versions, makikita natin na ang YAHUAH ay nagrerepresent sa English word na“LORD/GOD”, ngunit hindi ito translation ng YAHUAH, ito ay substitution/titulo.                                                           Nang mga panahon ng paglabas ng mga Hebreo ay kinakailangan na maninirahan ang mga ito sa mga hentil,pagano na kung saan maaaring malampastanganan ang banal na pangalan, at lalong maging mahirap para sa kanila na pabayaan lamang ang paglalampastangan sa pangalan kapag ito’y ginamit.
Ang pinaka mahalaga sa pangalan ng Aluahym ay ang apat na Hebrew letters “Yud-Hah-Uau-Hah (YHUH/YHVH).                    YAH(Yud-Hah), YAHU(Yud-Hah-Uau/vav) ang pinaiksi na ginagamit lalo na sa pangalan ng mga propeta at mahahalagang tao sa bibliya katulad ng Elijah (EliYahu) ibig sabihin Ang aking Aluahym(god) ay si Yah.                                  HalleluYah(purihin si Yah)                                      Micaiah (MykYahu) sino ang katulad ni YAHUAH.                       Obadiah (ObadYahu) tagapaglingkod ni YAHUAH.                                
Sinasabi sa Isaiah (YashaYahu) 42:8- Ako si YAHUAH; ‘yan ang aking pangalan;walang makakaangkin ng aking karangalan;ang papuri ay sa akin,hindi sa diyos-diyusan.               

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento